Want to learn additional tagalog words? Check out this interview clip!!!
Check out this interview clip with the three (3) Senior High School students from Sacred Heart College. Where SHC students will be ask a question about “Matatalinghagang Salita” and ask to form a sentence using the given word.
ALUMANA
Ang salitang ito ay may iba’t ibang kahulugan batay sa gamit. Maari itong mangahulugang pagpansin. Maari rin itong mangahulugang pag-alaga o pag-aruga.
1. Di niya alumana ang tirik na tirik na araw habang kami ay naglalakad. (pansin)
2.Ang pag-alumana sa akin ng aking inay habang ako ay may sakit ay di ko maliliumutan. (pag-alaga)
DARAG
Malalakas na padyak ng paa na sadyang ginagawa nang biglaan at ginagamit na panakot o pagpapahiwatig ng pagtatampo o pagtutol
1.Nagdarag ang bata nang siya ay mapagsabihan ng kanyang ina.
EKOLOKWA
Salitang nagpapahiwatig ng kasiyahan at halos katumbas ng ganyan, tama o ganyan nga ng isang nagmamanman.
1.Nagdumating ang bagong kasal ,lubos ang ka-ekolokwahang ipinakita ng mga bisita.
HAWAN
Walang sukal, malinis na, walang nakasangga, aliwalas.
1.Ang lugar sa mga probinsiya ay masasabi nga namang hawan sa kagandahan.
ITATWA
Ang salitang itatwa ay nangangahulugang “Huwag kilalanin”.
1.Nang tanungin ang dalaga patungkol sa kanyang nararamdaman ,initatwa niya ito.
MAPUPIPOL
Ang salitang mapupipol ay nangangahulugang “Napipitas”.
1.Pumunta ang magkaibigan sa hardin upang mapupipol ng mga bulaklak.
NAPUPOS
Ang salitang napupos ay nangangahulugang “Natapos/lubos”.
1.Maaga niyang napupos ang kanyang mga takdang aralin.
ORGULYOSO
Ang mga katumbas na salita ng Orgulyoso ay ang mga sumusunod: Mapagmalaki at mapagmataas
-
Nang makaahon sa kahirapan si Mila, siya ay naging tilang isang orgulyoso sa kaniyang mga kababayan.